Taas-presyo sa ilang pangunahing produkto, aprubado na ng DTI

Pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas-presyo sa ilang produkto sa bansa.

Sa inilabas ng ulat ng DTI, hanggang P2.25 ang itataas alinsunod sa inilabas na bagong suggested retail price (SRP).

Kasama rito ang canned sardines na tumaas ng P0.75 mula sa P0.50; condensed milk, P1.25 mula sa P0.50; powdered milk, P1.35 mula sa P0.50.


Tumaas din ang presyo ng instant noodles sa P0.25; iodized salt, P2.25 mula sa P1.40 at ang detergent na tumaas ng P1.

Hindi naman gumalaw ang SRPs ng tinapay, bottled water, candles, toilet soap at battery.

Facebook Comments