Taas-presyo sa kape, gatas at patis, aprub na

Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas-presyo sa kape, gatas at patis.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – nasa dalawa hanggang limang porsyentong ang inaprubahan nilang price hike sa mga produkto at epektibo na ito.

Paliwanag ng kalihim – ang pagtaas sa presyo ng mga produkto ay inaprubahan dahil sa pagmahal ng raw materials at packaging.


Base sa Suggested Retail Price (SRP) list ng DTI, ang 300-milliliter na milk maid full cream milk ay nasa 72 pesos na mula sa dating ₱70.20.

Para sa 168-ml carnation condensed milk, nasa ₱37.50 mula sa dating 37 pesos.

Nasa ₱30.75 ang presyo cow bell condensed milk na sa dating 30 pesos lang.

Ang 154-ml na alpine evaporated full cream milk ay nasa ₱29.75, ₱20.50 naman ang 154-ml carnation evaporated full cream milk.

Nasa 9.90 pesos ang bagong presyo ng 150-ml pouch ng Lorins fish sauce, habang ang 350-ml nito ay nasa 18.25 pesos na.

Facebook Comments