Matapos ang limang sunod-sunod na price rollback, taas-presyo naman sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong araw.
Nasa P1.60 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.35 sa diesel, at P1.20 sa kerosene.
Nauna nang nagpatupad ng oil price hike kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ang Caltex habang alas-6:00 ng umaga naman ang Flying V, Seaoil, Petron, PTT Philippines, Pilipinas Shell at Petro Gazz.
Habang mamayang alas-4:01 ng hapon epektibo ang kaparehong price adjustment ng Cleanfuel sa diesel at gasolina.
Ang taas-presyo sa langis ay bunsod ng pagtaas ng global oil price at epekto ng Omicron variant.
Facebook Comments