Magpapatupad sa Biyernes, Oktubre 1 ng taas presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kompanya ng langis.
Asahan na ang P5 hanggang P6 na dagdag sa kada kilo ng LPG o P55 hanggang P66 sa kada 11 kilogram na tangke nito.
Sa ngayon, halos $108 o P5,513 kada metric ton ang inilobo sa presyo ng LPG sa international contract price na pinakamataas sa loob nang limang taon.
Kasabay nito, umapela ang Department of Energy sa mga LPG manufacturer na kung maaari ay utay-utayin ang taas-presyo para hindi mabigat sa mga konsyumers nito.
Facebook Comments