TAAS-PRESYO SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, IPAPATUPAD BUKAS

Nakatakdang magpapatupad ng panibagong dagdag presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis bukas, Agosto 30, 2022.

Ito ay ang pangalawang linggo ng malakihang taas-singgil sa produktong petrolyo matapos ang ilang linggong rollback.

Tinatayang nasa P1.40 kada litro ang idadagdag sa presyo ng gasolina habang P 6.10 kada litro ng diesel, at P6.10 rin sa kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ng Shell, Seaoil at Cleanfuel ang taas-presyo epektibo bukas ng alas-8:00 ng umaga.

Ang iba pang kompanya ay di pa nag anunsyo ngunit inaasahang magpapatupag din ng dagdag-singil bukas.

Batay sa datos ng year-to-date adjustment ng Department Of Energy (DOE), nasa P18.15 kada litro na ang itinaas ng gasolina, P31.70 naman kada litro sa diesel, at P27.10 kada litro sa kerosene.

Facebook Comments