Taas presyo sa mga produktong petrolyo, ipapatupad sa bisperas ng Bagong Taon

Sasalubong sa mga motorista ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa bisperas ng Bagong Taon.

Nasa ₱0.85 ang dagdag sa kada litro ng gasolina, ₱0.50 sa kada litro ng diesel habang ₱0.35 sa kerosene.

Una nang nag-anunsyo ang Shell na magpapatupad ng adjustment bukas ng alas-6:00 ng umaga.


Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng price adjustments ang iba pang kumpanya ngayong araw.

Ang taas-presyo ay bukod pa sa last tranche o huling bugso ng excise tax na ipatutupad sa January 2020 sakaling maubos na ang lumang stock ng petrolyo.

Facebook Comments