Panibagong oil price hike na naman ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis bukas, Hunyo 28.
Tinatayang nasa P0.50 kada litro ang idadagdag sa presyo ng gasolina habang P1.65 sa kada litro ng diesel, at P0.10 sa kada litro ng kerosene.
Ipatutupad ng Shell, Seaoil, PTT Philippines, at Phoenix Petroleum Philippines ang taas-presyo epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga, habang ang Caltex naman ay mamayang 12:00 ng hatinggabi, at ang Cleanfuel ay alas-8:00 ng umaga.
Batay sa datos ng year-to-date adjustment ng Department Of Energy (DOE), nasa P29.50 kada litro na ang itinaas ng gasolina, P44.25 naman kada litro sa diesel, at P39.65 kada litro sa kerosene.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggo na taas presyo sa gasolina, at ikalimang sunod sa diesel at kerosene.