Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, nagbabadya sa ika-2 linggo ng Disyembre

Asahan na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa ika-dalawang linggo ng Disyembre.

Sa inilabas na abiso, maglalaro sa P0.35 hanggang P0.45 kada litro ang dagdag-presyo sa diesel habang nasa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang gasolina.

Nasa P0.50 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng kerosene.


Tumaas ang presyo ng langis nitong mga nakaraang linggo matapos magkaroon ng sunod-sunod na balita ukol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Bumaba noon ang presyo ng langis sa pagbaba ng demand sa ilang industriya ngayong limitado ang paggalaw ng tao dahil sa pandemya.

Facebook Comments