Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, nagbabadya sa ika-2 linggo ng Enero

Asahan na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa ika-dalawang linggo ng Enero.

Sa inilabas na abiso, maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang dagdag-presyo sa diesel at kerosene habang nasa P0.85 hanggang P0.95 kada litro ang gasolina.

Tumaas ang presyo ng imported na petrolyo sa world market matapos pagdesisyunan ng Saudi Arabia na bawasan ang produksyon sa Pebrero at Marso.


Habang, bumaba naman ang imbentaryo ng crude oil ng Amerika noong nakaraang linggo kaya nagkaroon ng sunud-sunod na dagdag-presyo.

Facebook Comments