Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, nagbabadya sa pagpasok ng buwan ng Hunyo

Asahan na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Sa inilabas na abiso, maglalaro sa P0.55 hanggang P0.65 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina habang P0.30 hanggang P0.40 kada litro sa diesel at nasa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang kerosene.

Ito ay dahil umano sa kawalan pa ng deal sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa pag-alis ng embargo.


Samantala, bumubuti na rin ang ekonomiya sa Estados Unidos kaya nadaragdagan ang kanilang demand sa langis.

Facebook Comments