Kahit magtatapos na ang taong 2019, walang makakapagpigil sa mga kompanya ng langis na magpatupad ng dagdag sa presyo ng langis.
Nag-abiso na ang Flying V, simula bukas ng alas sais ng umaga ay may dagdag na Php. 0.85 kada litro sa gasolina, Php 0.35 kada litro sa kerosene at Php 0.50 kada litro ng diesel.
Ang PTT Philippines naman ay may Php 0.85/liter sa gasolina, Php 0.50/liter sa diesel.
Ang Cleanfuel naman ay Php. 0.50 ang dagdag sa diesel at Php. 0.85 na dagdag sa gasolina.
Ang SeaOil naman ay may dagdag Php.0.85 sa gasolina, Pho.0.50 sa diesel at Pho.0.35 sa kerosene.
Php. 0.50 kada litro sa diesel at Php. 0.85 sa gasolina ang idadagdag ng Petro Gazz.
Ang Shell Philippines naman ay Php.0.85 sa gasolina ang dagdag kada litro, Php 0.50 sa diesel at Pho. 0.35 sa kerosene.
Paliwanag ng mga kompanya, mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado dahil sa malamig na panahon.