Asahan na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas.
Sa final estimates, maglalaro sa singkwenta hanggang sitenta sentimos ang increase sa presyo ng kada litro ng diesel.
Posible namang sumampa hanggang piso ang taas-presyo sa gasolina habang 30 hanggang 50 centavos sa kerosene.
Ito na ang ikatlong sunod na linggong magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.
Bunsod pa rin ito ng ipinatutupad na production cut ng OPEC; banta sa supply dahil sa drone attack ng Ukraine sa oil refineries ng Russia at ang inaasahang pagtaas sa demand sa langis dahil sa peak summer season sa mga bansang nasa Northern Hemisphere.
Facebook Comments