Taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayong Martes Santo

37

Magkakaroon ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Semana Santa.

Ayon sa Shell at Petro Gazz, nasa P1.05 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.75 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ng Shell at Petro Gazz ang mga bagong presyo sa Martes, alas-6 ng umaga.

Inaasahan namang susunod ring magtaas ang ibang kompanya ng petrolyo.

Facebook Comments