Taas-presyo sa produkto ng langis, sasalubong sa mga motorista bago sumapit ang Pasko

Magtataas ng presyo ang ilang kumpaniya ng langis bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon.

Dahil dito, asahan na ng mga motorista ang dagdag presyo sa kada litro ng produktong petrolyo.

Nabatid na sisipa sa ₱0.75 – ₱0.85 ang kada litro ng Diesel at Gasolina habang maglalaro naman sa ₱0.85-₱0.95 ang kada litro ng Kerosene.


Ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay dahilan ng pag-develop ng COVID-19 vaccine at pagtaas ng demand sa langis sa Asya.

Facebook Comments