Nakatakda na namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Aasahan ang ₱2.40 hanggang ₱2.70 na dagdag-singil sa kada litro ng diesel.
Samantalanag ₱1.60 hanggang ₱2 kada litro naman ang itataas sa kerosene habang 0.30 hanggang 0.60 naman sa gasolina.
Kung maipapatupad sa susunod na linggo ang naturang taas-singil, aabot na sa halos ₱13 ang itinaas sa presyo ng diesel sa loob lamang ng tatlong linggo.
Matatandang sunod-sunod ang taas-presyo ng produktong petrolyo sa mga nakalipas na linggo, ito ay bunsod pa rin ng sigalot sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia.
Facebook Comments