Panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo ang inaasahang sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng Bagong Taon.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, may posibilidad na tumaas ng piso hanggang dalawang piso ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Posible ring umabot sa dalawang piso ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel habang inaasahang lalagpas naman sa dalawang piso ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Pero ani Abad, nakadepende pa sa magiging trading ngayong araw ang magiging pinal na presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, inaasahan namang bababa ng apat na piso ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG sa January 1, 2023.
Facebook Comments