Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad na ng ilang kompanya ng langis bukas!

Kapit na mga motorista!

Matapos ang walong linggong magkakasunod na rollback, ipatutupad na bukas, Martes, December 20, ng ilang kompanya ng langis ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Tinatayang nasa P2.90 kada litro ang ida-dagdag sa presyo ng diesel, habang P1.65 sa kada litro ng kerosene, at P0.70 sa kada litro ng gasolina.


Ipatutupad ng Pilipinas Shell, Seaoil, PTT Philippines, Petro Gazz, Jetti, at Phoenix Petroleum Philippines ang taas-presyo epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga, maliban sa kerosene ng PTT, Petro Gazz, at Phoenix.

Habang, ang Caltex naman ay mamayang 12:00 ng hatinggabi, at ang Cleanfuel ay alas-4:00 ng hapon maliban sa kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nagkaroon ng dagdag-presyo dahil umakyat ang presyo sa world market dulot ng embargo ng European Union sa Russian oil at price cap sa Russian crude oil.

Naging dahilan din sa pagtaas ng presyo ang pagluluwag sa China na posibleng magpataas na naman ng worldwide demand sa langis.

Facebook Comments