Magkakaroon ng taas presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw.
Magpapatupad ang Shell, Petro Gazz, Caltex, SeaOil, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Total, Flying V at Petron ng P1.45 dagdag sa kada litro ng gasolina at P0.30 ang kada litro ng diesel.
Magtaas din ang Shell, Caltex, SeaOil, Flying V at Petron ng P0.40 ang kada litro ng kanilang kerosene.
Magiging epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga, maliban sa Caltex na magpapatupad 12:01 ng hatinggabi.
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, unpredictable ang presyuhan ng petrolyo dahil nakabase ito sa supply at demand.
Aabot na sa P5.50 ang iminahal ng gasolina sa loob ng anim na linggo o mula Pebrero 12 hanggang Marso 19.
Pero kung simula Enero 1 hanggang Marso 19, nasa P8.35 na ang dagdag-presyo sa gasolina, P6.89 sa diesel at P4.57 sa kerosene.