Taas presyo sa produktong petrolyo, nakaamba ngayong linggo

Asahan na ngayong linggo ang isa na namang oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis.

Tinatayang papalo sa P0.50 hanggang P0.60 ang dagdag presyo sa bawat litro ng diesel at kerosene o gas.

Habang ang gasolina naman ay may dagdag na P0.20 hanggang P0.30 kada litro.


Ito na ang ikaapat na sunod na linggong pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayong January 2019 kung saan umabot na sa P5.60 ang itinaas ng presyo ng diesel, P4.54 sa gasolina habang P3.67 sa gas.

Facebook Comments