Taas presyo sa produktong petrolyo, sasalubong sa 2020

Asahan na ang dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng taong 2020.

 

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, nasa P1.68 kada litro ang inaasahang dagdag-singil sa diesel habang nasa P1.12 naman sa gasolina, at kerosene.

 

Nasa P8 kada kilo naman aniya ang itataas sa presyo ng liquefied petroleum gas (lpg) dahil sa paghina ng sulpay sa buong mundo, premium sa kontrata at dagdag na excise tax.


 

Bukdo ditto, isa rin sa magpapataas sa presyo ng diesel ang pagpapalit ng krudo ng mga barkong nagdedeliver ng imported na langis sa iba’t ibang parte ng mundo.

 

Imbes na bunker fuel kasi ang gagamitin, hahaluan na rin ng diesel ang langis na ginagamit sa nasabing mga barko.

 

Pero paglilinaw ni Fuentebella, hindi naman sabay-sabay ang taas singil dahil may natira pa namang old stock ang mga kumpaniya ng langis.

 

Dahil dito, iginiit ni Roberto Martin, pangulo ng grupong Pasang Masda nabubuhayin nilang mga transport groups ang mungkahi na itaas ang presyo ng minimum fare ng jeep sa P10.

Facebook Comments