Taas-presyo sa produktong Petrolyo, sumalubong sa mga motorista kasabay ng bagong taon

Sumalubong sa mga motorista ngayong bagong taon ang taas-presyo sa produktong Petrolyo.

Ang Pilipinas Shell, Petron, Chevron, Seaoil, at Flying V ay nagtaas ng presyo ng kada Litro ng kanilang Gasolina ng ₱0.85.

May dagdag na ₱0.50 sa kada litro ng Gasolina habang ₱0.35 sa Kerosene.


Ganito rin ang ipinatupad na price adjustments ng Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, maliban sa Kerosene.

Ang oil price increse ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng krudo sa pandaigdigang merkado at hindi pa rito kasama ang ikatlong tranche ng Fuel Excise Tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Facebook Comments