Manila, Philippines – Aabot sa 20 centavos per kilowatt hour ang nakikitang pagtaas ni Senator Sherwin Gatchalian sa presyo ng kuryente sa susunod na dalawang buwan.
Ayon kay Gatchalian, bunsod ito ng mas mahal na imported coal prices sa World Market.
Kasabay nito, humina rin ang halaga ng piso na lalo pang magpapalaki sa posibilidad ng taas-presyo.
Dahil dito, iminungkahi ng senador ang paggamit sa Malampaya funds upang mabayaran ng National Power Corporation na nagkakahalaga ng P132 bilyong piso.
Inalerto rin ng senador ang mga consumers sa pagtaas ng presyo dahil halos kalahati ng pinagkukunan ng enerhiya ng Pilipinas ay Coal-Fired Power Plants.
Facebook Comments