Manila, Philippines – Tataas ulit ang singil sa kuryente sa susunod na buwan.
Ito ay matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mas mataas na feed-in tariff allowance o fit all rate na nagkakahalaga ng mahigit P0.25 kada kilowatt hour.
Mas mataas ito ng mahigit P0.07 per kilowatt hour kung ikukumpara sa kasalukuyang fit all rate na mahigit P0.18.
Ang feed in tariff allowance ay ang dagdag na taripa na ipinapataw sa mga consumer at ibinabayad sa mga developer ng renewable energy.
Alinsunod ito sa republic act 9513 o ang renewable energy act of 2008.
Sabi naman ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, susunod lamang sila sa anumang iutos sa kanila na dapat ipatupad.
Facebook Comments