Tuesday, January 20, 2026

TAAS-PRESYO | Singil sa school service, tumaas

Manila, Philippines – Nagtaas na ng singil ang mga school service sa bansa dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.

Ayon kay National Alliance of School Service Associations of the Philippines (NASSAP) President Caelso Dela Paz, nasa 10 percent ang itinaas ng singil sa mga school service gaya ng school bus ngayong pasukan.

Gayunman, hindi pa aniya malaki ang ipinatupad nilang taas-singil.

Giit naman ni Eleazardo Kasilag ng Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA), ilang pribadong paaralan na ang itinigil ang serbisyo nilang school bus.

Aniya, karamihan ng mga magulang ay pinili ang mas murang transportasyon gaya ng tricycle na nasa P500 o P600 kada buwan lang ang karaniwang singil.

Nabatid na hindi hawak ng gobyerno ang usapin hinggil sa singil sa mga school service dahil nasa pagitan ito ng mga magulang at operator.

Facebook Comments