Manila, Philippines – Kumapit na ang mga coffee lovers!
Inanunsyo ng American Coffee Company at Coffeehouse na Starbucks na magtataas sila ng presyo ng kanilang kape.
Sa abiso ng Starbucks Philippines, tatlo hanggang walong porsyento ang itinaas sa presyo ng kanilang mga inumin simula ngayong linggo.
Katumbas nito na lima hanggang sampung piso na price increase.
Bahagi ito ng pag-balanse sa kanilang kinikita para mapatakbo ang kumpanya habang binibigyan ng maayos na serbisyo ang kanilang mga kostumer.
Naglalaro sa ₱100 hanggang ₱200 ang presyo ng mga produkto ng Starbucks.
Facebook Comments