Posibleng tumaas na rin ang toll sa North Luzon Expressway, Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (CAVITEX) at Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX).
Ito ay matapos humirit ang Metro Pacific Tollways Corporation o MPTC ng 16 percent na dagdag toll sa NLEX, 19 percent sa SCTEX, 25 percent sa CAVITEX at halos 10 percent sa MCX.
Ayon kay Toll Regulatory Board o TRB spokesperson Alberto Suansing, 2011 pa ang hirit ng MPTC at naniniwala silang may pangangailangan na talagang magtaas sa toll.
Pero bago pa aprubahan tiniyak ng TRB na hindi sila papayag basta-basta na magtaas ng toll hanggat hindi nasusunod ang ilan nilang kondisyon.
Facebook Comments