TAAS PRESYO | TRAIN law, umarangkada na sa mga gas station sa Manila

Manila, Philippines- Umiiral na ang presyo ng produktong petrolyo batay sa TRAIN law sa ilang gas station dito sa lungsod ng Maynila.

Sa bahagi ng España Blvd.at Blumentrit sakop ng Sampaloc Maynila nakapaskil na sa pamamagitan tarpaulin sa Petron gas station at may nakasulat na katagang “This station is already implementing TRAIN Law”.

Nakasulat din ang break down nito dagdag na excise tax Gasoline 2.65/ Litro, Diese l-2.50/ Litro, Kerosine 3./ Litro, at 12 percent Vat dagdag sa Exice Tax Gasoline, 32 centavo/ Litro, Diesel, 30 Centavos/ Litro, kerosene, 36/Litro.


Ngayon umaga ayon sa Energy Department may pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kung saan nasa 80 centavo ang itinaas sa presyo ng gasoline at 55 sa Diesel at Kerosene, bunsod ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Nauna rito kinuwestyon ng ilang grupo sa Korte Suprema ang legalidad ng TRAIN law dahil sa pangamba na magdudulot ito ng lalung pahirap sa publiko habang ang ibang transport group ay naghain naman ng petisyon para sa dagdag pasahe bilang epekto ng TRAIN Law.

Facebook Comments