TAAS-SAHOD | Pag-aaral sa posibleng dagdag sahod sa mga manggagawa, ipinag-utos na ng DOLE

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa wage boards na pag-aralan ang posibilidad na taasan ang sahod ng mga mangagawa sa bansa.

Kasunod na rin ito ng apela ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at pagmahal ng pangunahing bilihin.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, nagbigay na siya ng kautusan sa lahat ng mga regional tripartite wage board na gumawa ng panibagong assessment at recommendation.


Sa ngayon ay nasa P512 ang sweldo ng isang minimum wage earner.

October 2017 ng aprubahan ng regional tripartite wage and productivity board ang dagdag na 21-pesos sa minimum wage sa Metro Manila.

Facebook Comments