Manila, Philippines – Inihain ni Senate President Tito Sotto III ang Senate Bill no. 2082 na nagtatakda ng reorganisasyon at pagtaas sa sweldo ng 5,000 empleyado ng Commission on Elections o Comelec sa buong bansa.
Ang hakbang ni Sotto ay tugon sa apela ng Comelec Employees’ Union na itaas ang kanilang sahod katumbas ng kanilang trabaho o kapantay sa sahod ng mga manggagawa sa ibang tanggapan ng pamahalaan.
Nakapaloob din sa panukala ang pagtatayo ng regional at provincial Comelec offices at paghati sa National Capital Region (NCR) sa limang administrative districts.
Ayon kay Sotto, layunin nito na magkaroon ng field offices ang Comelec para epektibong maipatupad ang lahat ng kautusan nito sa lahat ng lugar sa bansa.
Facebook Comments