TAAS SAHOD | Palasyo, hands off sa panawagang umento sa sahod sa pribadong sektor

Manila, Philippines – Dumistansiya ang Palasyo ng Malacanang sa usapin ng panawagang umento sa sahod sa pribadong sektor.

Ito naman ay sa harap na rin ng TRAIN Law kung saan inaasahan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa pagpapataw ng karagdagang excise tax sa mga produktong petrolyo at mga sweetened beverages.

Ito ay dahil na rin sa pagtataas ng sweldo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasa unipormadong hanay ng pamahalaan pati na rin sa planong pagtataas ng sweldo ng mga pampublikong guro sa bansa.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bahala na ang Regional Wage boards ng Department of Labor and Employment na siyang magdesisyon sa sweldo ng mga mangagawa sa pribadong sector.

Hinimok din naman ni Roque ang mga grupo ng manggagawa na maghain ng petisyon sa Regional Wage boards para itaas ang sweldo.

Sa ngayon ay nasa 512 pesos kada-araw ang minimum wage sa pribadong sector sa Metro Manila na sinasabi ng mga grupo ng manggagawa na kulang na kulang sa mahal ng mga bilihin.

Facebook Comments