Taas-sahod sa mga kawani ng gobyerno, hindi mangyayari kapag hindi naipapasa ang 2019 budget – DBM

Manila, Philippines – Nanindigan si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na hindi maipatutupad ang umento sa sahod hangga’t hindi ipinapasa ng Kongreso ang 2019 National budget.

Ayon kay Diokno – wala silang legal na basehan para sa nakataang taas-sahod kung hindi maaprubahan ang 2019 General Appropriations Act (GAA) na bigong maipasa ng Kongreso sa katapusan ng 2018.

Aniya, ang pagsasabatas ng budget appropriations ay ang tanging basehan para ipatupad ang ika-apat na bahagi ng salary adjustments para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.


Iginiit ni Diokno, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay walang legal authority na magpatupad ng pay hike hanggang walang 2019 GAA.

Matatandaang nagbabala si House Majority Leader Rolando Anaday Jr. na kakasuhan niya si Diokno kung hindi ipatutupad ang salary increase sa January 15 na ipinagkibit-balikat lamang ni Diokno.

Facebook Comments