Taas-sahod sa mga manggagawang Pilipino, kakaunti lang ang makikinabang — ECOP

Hindi lahat ng mga manggagawa sa bansa ay nakikinabang sa tuwing nagtataas ng sweldo.

Ito ang iginiit ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis kasunod ng kaliwa’t kanan panawagang taas-sahod dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at kakarampot na rollback sa presyo naman ng mga produktong petrolyo.

Sa isang panayam, sinabi ni Ortiz-Luis na 90% ng mga manggagawa na nasa informal sector o walang employer ang hindi nabibigyan ng dagdag-sahod.


Dagdag pa ng pangulo, hindi maiiwasang bawiin ng employers sa presyo ng produkto sakaling magpatupad ng salary increase sa kanilang mga manggagawa at makakaapekto naman ito sa inflation rate ng bansa.

Una na rin inirekomenda ni Ortiz-Luis na dapat lumikha pa ng maraming trabaho ang pamahalaan sa halip na pagtaas ng sahod upang maiahon ang mga Pilipino sa kahirapan.

Facebook Comments