Ipapanawagan ng iba’t ibang mga militanteng grupo sa pamahalaan ang taas-sahod para sa mga pribado at kawani ng gobyerno.
Ito ay kasunod sa nakatakdang malawakang kilos-protesta sa Araw ni Bonifacio, November 30, Miyerkules.
Hinihikayat ng grupo ng mga manggagawa ang mga samahan na magtungo sa wage board upang maghain ng petisyon hinggil sa dagdag-sahod.
Kakalampagin din nila ang gobyerno na isulong na ang P33,000 minimum wage sa mga kawani ng pamahalaan.
Kabilang din sa lalahok sa nasabing kilos-protesta ang Alliance of Health Workers (AHW) at samahan ng mga guro para ipanawagan naman ang taas-sahod sa kanilang grupo.
Dagdag pa, hinahamon din nila si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ilahad sa publiko kung ano ang kaniyang posisyon hinggil sa taas-sahod sa mga manggagawa.
Samantala, inaasahan naman na nasa higit 10,000 ang mga lalahok sa naturang malakihang kilos-protesta sa Miyerkules.