TAAS-SINGIL | Dagdag pasahe sa Iligan, hinihintay na lang na maaprubahan

Iligan – Dagdag singil sa pamasahe ng mga pampublikong sasakyan sa Iligan hinihintay nalang ng transport group na ma-aprubahan.

Inaantay pa ng transportation group na CLUTCH sa lungsod ng Iligan at Lanao del Norte ang approval ng kanilang hiling hinggil sa pag-increase ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ay dahil sinabi ni Mr. Raul Permites, ang chairman ng Coalition of Lanao del Norte Utility Transport for Change (CLUTCH) na talagang lugi na ang kanilang hanapbuhay araw-araw dahil sa gasolina lang na pupunta ang kanilang kinikita.


Panahon na umano para bigyang umento ang pamasahe ng mga pampublikong sasakyan sa lungsod.

Dasal nila na ma-aprubahan ang kanilang hiling na dagdagan ng dos singkwenta pesos ang minimum na pamasahe ngayon sa lungsod ng Iligan.

Dagdag ni Permites na ramdam talaga nila ang hirap nitong patuloy at halos araw-araw tumataas ang presyo ng petrolyo sa bansa.

Facebook Comments