TAAS-SINGIL | Dagdag pasahe sa mga jeep, inaprubahan na ng LTFRB

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provisional fare hike sa mga pampasaherong jeepney.

Piso ang magiging dagdag pasahe para sa unang apat na kilometro ng biyahe.

Epektibo lamang ito sa mga jeep na pumapasada sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at MIMAROPA.


Nilinaw ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, hindi pa agad ito maipatutupad dahil ilalabas muna ang written order mula sa ahensya.

Matatandaang nasa otso pesos ang kasalukuyang minimum fare.

Facebook Comments