Manila, Philippines – Nag-abiso ang Department of Justice (DOJ) na magtataas na rin ng singil sa NBI clearance simula March 12.
Ito ay dahil sa mas mataas na Documentary Stamp Tax (DST) na dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Mula sa dating P115.00, aabot na sa P130.00 ang singil sa nasabing clearance.
Isa ang NBI clearance sa mga pangunahing dokumento na kinakailangan para makapagtrabaho kung saan hinihingi ito ng mga kumpanya upang masiguro na walang criminal record ang mga papasok na empleyado.
Facebook Comments