Manila, Philippines – Sisimulan na sa Oktubre ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT) Cavite extension.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) President Juan Alfonso, ang kasalukuyang isa’t kalahating oras na biyahe mula Baclaran patungong Bacoor, Cavite ay magiging 30-minuto kapag natapos ang proyekto.
Mababawasan aniya ng tatlong oras na travel time kada araw ang biyahe ng mga pasahero.
Ang Cavite extension project ay mayroong bagong walong istasyon na magdadagdag sa kasalukuyang linya: redemptorist; NAIA avenue; Asia World; Ninoy Aquino; Dr. Santos; Las Piñas; Zapote; at Niog.
Facebook Comments