TAAS SINGIL | Mga mahuhuling unattended illegal parking na sasakyan, pagmumultahin na ng ₱2,000 ngayong araw

Manila, Philippines – Pagmumultahin na simula ngayong araw ng ₱2,000 kada ticket ang mga sasakyang ilegal na nakaparada.

Bago ito, nasa ₱500 lamang ang multa para sa unattended illegal parking.

Ayon kay MMDA Legislative and Legal Affairs OIC at Metro Manila Council Secretariat head – nasa ₱1,000 naman ang multa para sa attended illegal parking mula sa dating ₱200.

Ang mga lalabag ay maaring tiketan dalawang beses sa isang araw.

Ang attended illegal parking violators ay mga sasakyang may hinihintay na nagdudulot na ng abala sa trapiko.

Facebook Comments