
Mariing binatikos ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang pagtataas ng Meralco rate ng 72 centavos ngayong Abril o katumbas na 144 pesos na dagdag sa monthly bill para sa average households na kumokonsumo ng 200 kwh ng kuryente.
Punto ni Cendaña, hindi pa narerefund ng Meralco sa mga consumers ang umano’y kabuuang 100 billion pesos na overcharged nito mula 2011 hanggang 2022 pero naniningil na ito ngayon nang mas mataas.
Bunsod nito ay nanawagan si Cendaña sa Malacañang na sertipikahang urgent ang panukalang 200 pesos na increase sa arawang sweldo ng mga manggagawa.
Giit din ni Cendaña na ibasura ng Energy Regulatory Commission mga petitions for rate hikes ng Meralco.
Pinaparepaso din ni Cendaña ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) law para matiyak ang maaasahan at abot-kayang kuryente sa bawat tahanan at industriya.