Pumalo na sa $83 kasa bariles ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado bunsod na rin ng mga pangamba sa supply ng langis.
Sa tala, umakyat na sa $83.32 ang Benchmark Brent, ang pinakamataas na presyo ng krudo mula noong November 2014.
Tumaas naman ng apat na sentimo ang halaga ng U.S. light crude sa $73.29.
Problema sa supply at ang napipintong mga sanction ng Estados Unidos laban sa Iran ang mga nakikitang dahilan kung bakit tumataas ang halaga ng krudo.
Kaninang umaga, nagpatupad ang mga oil company ng P1.35 na dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel habang piso naman sa kada litro ng gasolina.
Inaasahan na malaki ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa world market sa inflation rate ng bansa sa mga susunod na buwan.