Taas-singil sa CAVITEX, inaprubahan ng Toll Regulatory Board

Aprubado na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang taas singil sa isang toll road ng Cavite Expressway o CAVITEX.

Ayon sa TRB, ₱2.00 ang itataas ng toll ng CAVITEX mula Coastal Road hangang Parañaque, Las Piñas Zapote Exit, ito ay mula sa ₱33 hanggang ₱35 na para sa Class 1 vehicles sa Class 2 vehicle naman ay mula sa dating ₱67 ay nasa ₱70 na habang sa Class 3 naman ay nasa ₱104 na ang singil sa dating ₱100.

Sa ikalawang toll plaza naman ito ay nasa ₱70 na sa dating ₱67 ang magiging singil ng CAVITEX para sa Class 1 vehicles habang nasa ₱145 naman mula sa dating ₱129 ang singil sa Class 2 vehicles at nasa ₱219 naman sa dating ₱194 ang singil sa Class 3 vehicles.


Samantala, maglalabas naman ang CAVITEX ng anunsyo kung kailan ipatutupad ang bagong toll fees.

Facebook Comments