UMAPELA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Manila Electric Company (Meralco) na i-waive ang ika-6 sunod na power rate hike ngayong Setyembre, at binigyang-diin na hindi ito napapanahon sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.
Ayon kay Zarate, ang taas-singil sa koryente ay panibagong dagdag na pabigat sa mga consumer na hindi na makasabay sa tumataas na halaga ng pamumuhay dahil sa pandemya.
Ginawa ni Zarate ang panawagan kasunod ng anunsiyo ng Meralco na tataas ng P0.1055 per kiloWatt hour ang singil sa koryente ngayong buwan. Katumbas ito ng dagdag na P21 para sa mga residente na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Sinabi ng Meralco na ang taas-singil ay dahil sa mas mataas na igeneration charge.
“What is worse though is that power players like Meralco still profit from these miseries. Our call is for Meralco to waive these power rate increases!,“ ani Zarate.
Sinabi ni Zarate na kikita pa rin ang Meralco bagama’t hindi ganoon kalaki at tiyak na hindi ito magdudulot ng bankruptcy.
“What Meralco conveniently does not say, when confronted with its expensive electricity pricing, is that it is also the owner, wholly or partially, of several power generation companies (GenCos), some of which even act as self-dealing and favored Meralco electricity suppliers,” dagdag ng kongresista.
Ipinaliwanag ni Zarate na bilang may-ari ng mga GenCos na ito, ang Meralco ay tumutubo hindi lamang mula sa pagtaas sa power generation cost kundi sa lahat ng revenues.
“So Meralco officials deceive consumers when they claim that the cost of generating the electricity provided to its customers is a mere ‘pass-on charge’ that does not benefit Meralco, purportedly because it goes directly to the GenCos. In truth, a substantial portion of these so-called ‘pass-on charges’ goes back to Meralco’s pockets via its GenCos,” ayon pa kay Zarate.
Nauna nang nanawagan si Zarate at ang Makabayan bloc na i-ban ang cross-ownership sa pagitan ng GenCos at ng distribution utilities.