Taas-singil sa kuryente, nagbabadya!

Posibleng magpatupad ng taas-singil sa kuryente ang MERALCO kasunod na rin ng sunod-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Paliwanag ng kompanya, krudo ang ginagamit para makalikha ng kuryente.

Bagama’t readily available naman sa bansa ang krudo, nakadepende pa rin ang presyo nito sa palitan ng dolyar na nagbabago depende rin sa kondisyon ng pandaigdigang merkado.


Sa ngayon, wala pang pinal na anunsyo ang MERALCO kung magpapatupad sila ng dagdag-singil.

Nabatid na sa susunod na linggo, inaasahang magpapatupad bigtime oil price hike ang mga kompanya ng langis.

Ayon sa mga oil industry, maglalaro sa P5.30 hanggang P5.50 ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel

Mayroon ding P3.50 hanggang P3.70 na taas-presyo sa gasolina habang P4 hanggang P4.10 sa kerosene.

Ito na ang ika-10 sunod na linggong magkakaroon ng pagsipa sa presyo ng petrolyo.

Karaniwang nagpapatupad ng oil price adjustment tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments