Taas-singil sa kuryente, nakaamba!

Nagbabadyang tumaas ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa posibleng pagnipis ng reserbang kuryente.

Ayon sa industry sources, mula ngayon hanggang Hulyo, posibleng makaranas ng 7 linggong yellow alert at 5 linggong red alert.

Sa ilalim ng yellow alert, manipis ang reserba ng kuryente habang kulang kapag red alert.


Paliwanag ni Laban Konsyumer presideng Vic Dimagiba, kapag kaunti ang supply ng kuryente, tumataas ang presyo nito sa spot market, na isa sa pinagkukunan ng supply ng mga utility gaya ng Meralco.

Nanawagan naman ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga konsumer na magtipid para maiwasan ang brownout.

Facebook Comments