Matapos ang taas singil sa kuryente ngayong Abril, nagbabadya na naman ang dagdag singil ng Meralco sa Mayo.
Paliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang panibagong taas singil sa kuryente ay dahil sa oil price hike at sunud-sunod pa rin na pagsasailalim sa yellow at red alert ng Luzon grid.
Aniya, tumataas ang bentahan ng kuryente sa spot market na isa sa pinagkukuhanan ng suplay ng kuryente ng Meralco tuwing may yellow o red alert.
Ngayong araw, isinailalim na naman sa yellow alert ang Luzon grid sa buong maghapon.
Sa ilalim ng yellow alert ay hindi kailangang magpatupad ng rotational brownout maliban na lamang kung mayroon pang pumalyang mga planta ng kuryente.
Facebook Comments