Bukod ngayong Disyembre, asahan na rin ang taas presyo sa singil sa kuryente ng Meralco sa Enero 2023.
Ito ay makaraang kumpirmahin ni Meralco public relations head Claire Feliciano na mararamdaman na rin ang epekto ng sinuspending power supply deal sa pagitan ng Meralco at San Miguel’s South Premier Power Corp. (SPPC) sa January electric bill.
Kinakailangan kasing hanapan ng Meralco ng kapalit ang nawalang 12-13-percent o katumbas ng 670 MEGAWATTS na kakulangan sa suplay ng kuryente.
Isa sa tinitignan ng Meralco na posibleng pagkuha ng ay ang Wholesale Electricity Spot Market na mas mataas ng halos apat na piso kumpara sa kontra nito sa San Miguel na nasa 4.30-pesos kada kilowatt hour.
Pero sa interview ng RMN Manila, pinawi ng Energy Regulatory Commission ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng 60-pesos hanggang 80-pesos na taas singil sa kuryente sa Enero.
Sinabi ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, posibleng mabago ang nasabing halaga lalo na’t gumagawa na ng paraan ang Meralco upang mapunuan ang nawalang suplay ng SPPC nang hindi naaapektuhan ang mga consumer.
Pagtitiyak ni Dimalanta, tututukan at pag-aaralan nilang mabuti bago aprubahan ang posibleng taas presyo sa singil sa kuryente.