Maliban sa produktong petrolyo asahan na rin ang mataas na singil sa kuryente pagsapit ng Mayo.
Sa ulat ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa Talk to the People (TTTP) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na tataas kasi ang presyo ng uling o coal na siyang ginagamit sa pag-produce ng kuryente.
Gayunpaman, may sapat naman aniyang suplay ng coal ang bansa.
Matatandaang una nang inianunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) ang P9.65 kada kilowatt hour (KWH) na taas singil sa kuryente ngayong Marso dahil sa mataas na singil mula sa electricity suppliers at ang epekto ng pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar.
Katumbas nito ay P13 taas sa kabuuang bill sa mga kabahayang kumukunsumo ng 200 KWH na kuryente.
Facebook Comments