TAAS SINGIL SA SSS CONTRIBUTION, UMANI NG IBA’T-IBANG REAKSYON SA DAGUPENOS

Umani ng iba’t-ibang reaksyon sa mga Dagupeños na miyembro ng Social Security System (SSS) sa Dagupan City ang ipinatupad na pagtaas ng kontribusyon, na epektibo ngayong buwan ng Enero.
Inanunsyo ng SSS ang bagong rate ng kontribusyon para sa mga pribadong sektor at voluntary members, kung saan tataas ito sa 15%, na may 10% na sagot mula sa employer at 5% na kaltas mula sa empleyado.
Ayon sa ilang mga Dagupeño, hindi sila kumbinsido sa pagtaas ng kontribusyon, dahil hindi naman agad nakikinabang mula sa mga benepisyo ng SSS.
Samantalang may ilan din na nag pasaring na hindi na dapat itaas ang kontribusyon, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na nagpapahirap sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Matatandaan na ilang mga grupo at personalidad ang nanawagan na ipagpaliban ang pagtaas sa kontribusyon ng SSS. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments