Taas-singil sa tubig sa Enero, posibleng hindi matuloy

Posibleng hindi na matuloy ang nakaambang taas-singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon.

Ito ay kasunod ng pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore arbitration ruling na nag-aatas sa gobyerno na magbayad ng  7.4 billion pesos sa Manila Water at 3.4 billion pesos sa Maynilad.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty – pinakikiusapan nila ang dalawang water concessionaire na huwag munang ituloy ang water rate hike.


Nitong Martes, sumulat na ang Manila Water sa MWSS para makipag-usap kung kailangan ipapatupad ang taas-singil sa tubig.

Nabatid na bahagi ng rate rebasing ang ipinapatupad na taas-singil ng Maynilad at Manila Water, na nagaganap kada limang taon.

Facebook Comments