Kasado na ang 2% dagdag-singil sa konsumo ng tubig sa Mangaldan simula ngayong Hunyo.
Ito ay matapos aprubahan ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang kaukulang resolusyon upang maipatupad ang naturang kautusan, na naunang tinalakay sa publiko sa pamamagitan ng public hearing noong Disyembre 16, 2022.
Ang dalawang porsyentong dagdag-singil kada buwan ay sumasalamin sa franchise tax na ipinapataw sa serbisyo ng tubig.
Umani naman ito ng sari-saring komento mula sa mga konsyumer, kabilang na ang mga apela na palakasin ang daloy at pagandahin pa ang kalidad ng tubig.
Kaugnay nito, tiniyak ng tanggapan ang pagpapanatili ng dekalidad na serbisyo at patuloy na pagbibigay ng malinis na suplay ng tubig sa bawat kabahayan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments